BLOOMING na blooming ang beauty ni Shaina Magdayao nang dumating sa Walk of Fame sa Eastwood City. Marami ang pumuna na lalo siyang gumaganda at mukha raw may nagpapaganda.

May itinatago nga bang inspirasyon si Shaina? Hindi kaya si Piolo Pascual pa rin ito? Hindi pa rin kasi nakakalimutan ng lahat ang ‘viral sweet dancing’ nilang dalawa sa Star Magic Ball.

“Sobra ba ‘yun? Pero parang hindi ko rin kinakaya,” napatawang reaksiyon ni Shaina nang marinig ang usap-usapan ng mga tao pagdating niya.

Sa kabila ng pagtanggi nila pareho ni Piolo na may namamagitan sa kanila, patuloy na nagdududa ang marami sa real score nila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Sa totoo lang, I think it’s really the friendship na ‘yun na hindi talaga nawala. ‘Yun lang talaga,” sagot ni Shaina.

Aware si Shaina na may mga pahayag pa rin si Piolo tungkol sa madalas nilang pag-uusap dahil very open ang komunikasyon nila.

“Oo naman, we’re talking. Tama naman ‘yun. Kung minsan din naman we go out kung may time. Pero sobrang panakaw-nakaw kasi ‘yun sa ngayon. I’m working, siya din naman, eh, sobrang busy,” banggit ng aktres.

Klaro pang pahayag ni Shaina, hindi niya itatanggi kung may relasyon talaga sila ni Piolo.

“You know, we’re at this point in our lives na if meron mang mangyayari, hindi naman siguro naman maitatago ‘yun sa mga tao. Alam naman natin kung gaano katinik sila ngayon, di ba?” nakakaaliw na sabi ng aktres.

Hindi rin niya itinatanggi na gusto niya si Piolo as a person.

“As I have said, before, I will always like him as a person. He’s always been there for me and even ‘yung mga personal na nangyayari sa buhay ko, eh, andu’n siya lagi,” seryosong lahad ni Shaina.

Si Piolo ang pinaka-dependable sa lahat ng mga nakakasama niya at aminado siyang “boyfriend material” ito.

“In this business, eh, mahirap nakakahanap ng ganu’ng klaseng tao. And so I would like to keep those people in my life,” may ngiting pahayag pa ni Ms. Shaina Magdayao. (JIMI ESCALA)