lee-copy

MATAPOS ang dalawang laro, lumabas na ang tunay na karaktek ni Paul Lee sa bagong koponang Star Hotshots.

Maangas sa depensa at opensa na nagbigay sa kanya ng MVP honor bilang top player ng Rain or Shine, umariba ang dating Gilas Pilipinas mainstay para gabayan ang Hotshots sa back-to-back win sa OPPO-PBA Philippine Cup.

Dahil dito ang tinaguriang “Angas ng Tondo” ang napiling tumanggap ng karangalan bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagtala ang 6-foot guard ng 20 puntos, tampok ang apat na triples bukod sa pitong assist at limang rebound upang pamunuan ang Star sa 99-75 na paggapi sa NLEX.

Ang panalo ang pumutol sa kanilang panimulang dalawang dikit na talo sa ilalim ng bagong coach na si Chito Victolero.

Ang nasabing laro ang unang pagkakataon na makaharap niya ang Ninong at dating coach sa Painters na si Yeng Guiao.

Laban sa Phoenix, nagtala naman si Lee ng 18 puntos, apat na assist at tatlong rebound para sandigan ang Star sa dominanteng 123-79 panalo.

Nakapagtala ang No. 2 overall pick noong 2011 PBA Draft ng average 19 puntos, 5.5 rebound at 4.0 assist.

Tinalo niya sa Player of the Week citation ang mga kasanggang sina rookie Jio Jalalon, guard Mark Barroca at wingman Allen Maliksi, Meralco rookie Ed Daquioag at sophomore Chris Newsome, Alaska forward Calvin Abueva, San Miguel forward Arwind Santos at center June Mar Fajardo, Rain or Shine guard James Yap at slotman Raymund Almazan at GlobalPort gunner Terrence Romeo. (Marivic Awitan)