Disyembre 13, 1642 nang matanaw ng Dutch explorer na si Abel Tasman ang South Island ng Staten Landt, na kilala ngayon sa tawag na New Zealand (“Nieuw Zeeland”, na kanyang inisip isang taon matapos itong madiskubre).
Sa pagtatangkang ni Tasman na makalapag, marami sa kanyang crew ang napatay ng mga mandirigma na mula sa isang tribo sa South Island, na nagkamali sa pagpapalitan ng trumpet signal ng Europen na naging ugat ng bakbakan.
Ito ay ipinangalan sa Dutch province na Zeeland, naging sentro ng atensiyon ng Europe ang New Zealand matapos maglakay ng English explorer na si Captain James Cook sa nasabing lugar noong ika-18 siglo at isinulat ang mga detalyadong account ng isla.
Pormal na pinamahalaan ng Britain ang mga isla noong 1840 at itinayo ang unang permanenteng European settlement sa Wellington, ang kasalukuyang capital ng bansa.