cantada-copy

Kabilang ang isyu sa liderato ng volleyball sa bansa sa agenda na tinugunan sa isinagawang pagpupulong ng International Volleyball Federation (FIVB) Board of Administration nitong Disyembre 8 sa Lausanne, Switzerland.

Sa opisyal na report ng FIVB Board of Administration na nailathala sa opisyal gazette at website ng federation, nakasaad ang opisyal na pagbuo ng Ad-Hoc Commission para imbestigahan ang nagaganap na usapin sa liderato ng Philippine volleyball.

Sa naturang report, nakasaad na itinalaga para pamunuan ang naturang Ad-Hoc Commission ni Mr. Jaime Lamboy ng Portugal, habang miyembro sina Mr. Tomohiro Tohyama ng Japan at Mr. Vasavan Samuel ng Republic of South Africa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“As per the decision of the FIVB World Congress, the FIVB Board of Administration also decided on the creation of an Ad-Hoc Commission to investigate the governance of the sport of volleyball in the Philippines,” pahayag sa report ng FIVB.

Matatandaang naglahad ng posisyon ang pamunuan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) sa FIVB General Assembly sa Argentina hingil sa pangigipit at pangaabusong ginawa ng Philippine Olympic Committee (POC) para ibasura ang PVF.

Sa utos ni POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, nagbuo nang bagong volleyball federation – Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. – na pinamumunuan ni Jose ‘Joey’ Romasanta, malapit na kaibigan ni Cojuangco at kasalukuyang POC first vice president.

Si Romasanta ay pangulo rin ng Philippine Karate-do Federation (PKF).

Kinilala ng POC ang LVPI at kaagad na inayudahan sa FIVB at Asian Volleyball Federation na bagong volleyball federation ng Pilipinas.

Tinuligsa ito ni PVF President Edgardo ‘Boy’ Cantada dahil sa paglabag ng POC sa karapatan at awtonomiya ng sports association.

Batay sa POC by-laws ang constitution, matatangal lamang bilang miyembro ang isang NSA kung makatatanggap ng three-fourth na boto mula sa 46 member sa General Assembly meeting.

Ayon kay Cantada, hindi ito naganap at pinigilan pa ng POC ang PVF na dumalo sa POC general assembly.

“Exactly what we (PVF) have been praying to happen,” pahayag ni Cantada patungkol sa desisyon ng FIVB Board.

(Edwin Rollon)