NAGPATAWAG ng ilang entertainment writers si Wilson Flores para sa open forum na ginanap sa Kamuning Bakery & Cafe na pag-aari niya na dinaluhan ng mga miyembro ng 2016 Metro Manila Film Festival selection committee sa pangunguna ni Chairman Nicanor Tiongson nitong nakaraang Huwebes.

Pinag-usapan ang proseso sa pagkakapili sa walong pelikulang mapapanood simula sa December 25 na binubuo ng Saving Sally, Sunday Beauty Queen, Oro, Ang Babae sa Septik Tank 2: Forever is Not Enough, Die Beautiful, Vince & Kath & James, Seklusyon, at Kabisera.

Muli nilang binanggit na ang mga pelikulang ito ang pumasa sa criteria nila.

Prangkang sinabi ng entertainment press na malabong maabot ng MMFF ang target revenue nilang P1.5B ngayong wala ang uri ng mga pelikulang malaki ang kinikita taun-taon. At dahil din pawang indie ang pumasok na hindi pa ganoon kasikat ang mga artistang bida kaya hindi rin ganu’n kalakas ang appeal sa mga manonood, posibleng mag-first day, last day sa mga sinehan ang ilan sa mga ito.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“Wala pong first day, last day dahil nakiusap po kami sa theater owners na pagbigyan ang mga hindi kumita ng first day,” paliwanag ni Moira Lang, isa sa MMFF selection committee na in-charge sa playdate at monitoring ng mga palabas.

“Kasi katulad po ng Heneral Luna, mahina po talaga siya sa first day o ilang araw pa, pero nu’ng kumalat na ang balitang maganda ay biglang lumakas at nakailang linggo na ito sa sinehan.

“Kasi, kapag kumalat na ‘yung good word of mouth, pagpunta ng mga tao na hindi pa nakakapanood, dapat nandu’n pa rin ‘yung palabas nila.

“So, ‘yun ‘yung talagang tina-try namin na i-explain din sa mga cinemas; and they’re listening. ‘Yun ang talagang tina-try natin gawin — na lahat nu’ng walo nandiyan pa rin sila hanggang sa last day ng festival.”

Nanawagan ang MMFF selection committee na sana ay magtulungan ang lahat para maging successful ang 2016 Metro Manila Film Festival.

“Kaya nga kailangan ng lahat ng tulong ng lahat ng sectors para sana suportahan; yung lahat ng walong ‘yun. Now, we only have one entry from a big studio, the rest are new and small film companies.

“So, sana hindi mangyari na after the second day, biglang tatlo na lang ‘yung palabas,”paliwanag ni Moira Lang.

Tinanong din si Ms. Boots Anson–Rodrigo kung ano ang mangyayari sa pinamamahalaan niyang Mowelfund, na isa sa mga umaasa sa kinikita ng MMFF, kapag hindi kumita ng malaki ang MMFF 2016.

“Let me speak (for) two bodies, one is Mowelfund the biggest beneficiary of MMFF. Historically, ang Mowelfund po and other beneficiaries, ang ibinibigay po ng MMFF po sa kanila like 70% of their operational cost for the year, so sanay po kami na mag-cost-cutting kung kailangan. Mag-outsources ng funding kung kailangan.

“And this is done without any complain, ang importante lamang po ay ang accounting, ang funding ng finances ay transparent. Okay na po kami roon. Kung sakaling mas umungo ang kikitain ngayon, that’s predictable and it’s also understandable, but it’s not probable. Hindi naman po ibig sabihin ay cutting stone na. 

“Pero kung sakali, we are ready for that, hindi po namin masamain iyon, alam naman ninyo na boy scout at girl scout kapag kailangan, eh, di maga-adjust. Ang importante lang po sa amin ay huwag kaming mawalan ng resources para sa mga beneficiaries namin.

“All these years kahit na mababang-mababa ang natatanggap namin from the MMFF, hindi po kami pumapalya sa aming thousand of beneficiaries.

“If we have to cut a cost in other areas, we would do that. Kung kailangang manglimos kami sa mga agencies and sponsors, gagawin namin ‘yun. Kung kailangan naming maging creative sa mga fund raising namin, we will be creative. Pumasok na nga po kami sa karera ng kabayo para maka-raise ng funds. That’s how creative we’re trying to get, so that’s is one aspect.

“And the another aspect is, yes may predictability about probably returns being diminished. Pero naniniwala po kami in advertising, in marketing of any product ‘pag magaling ang produkto mo, it will really just take introducing your products in the market, introducing them well, marketing them well.

“And ‘pag halimbawa ‘yung consumer, na-try na ‘yung produkto mo. Halimbawa you’ll be able convince consumer to try the product at ‘pag magaling ‘yung product, the continuous marketing will help plus the word of mouth.

“So we had slippers the past years na lumaki ng lumaki ang kita because of the word of mouth and continuous of marketing, sana ganu’n din ang mangyari and were very confident that the work of public relation marketing committees really very intense at pati nap o ang trabaho ng pre-day monitoring bookeeping distribution committee ng Metro Manila Film Festival, talagang 24/7 ang trabaho ng mga ‘yan. We can really only hope for the best and think on a positive attitude,” sabi ng chairman ng Mowelfund.

Kaya nanawagan ang bumubuo ng MMFF screening committee ng tulong ng media para i-promote ang Magic 8 at tangkilikin ito sa filmfest. (Reggee Bonoan)