CABANATUAN CITY - Isang negosyante at kanyang kasamahan ang napatay makaraang manlaban umano sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Barangay Bantug Norte sa lungsod na ito.
Sa ulat ni Cabanatuan City Police chief Supt. Ponciano Zafra, kinilala ang dalawang napatay na sina Fernando Reyes, 35, chicken dealer; at Danilo Llanes, 40, kapwa taga-Bgy. Bantug Norte.
Natunugan umano ng dalawang biktima na poseur buyer ang kanilang katransaksiyon kaya nagtatakbo ang mga ito sabay bunot umano ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.
Gumanti ang mga pulis at nasapol ang dalawa, pasado 3:00 ng umaga nitong Miyerkules.
Nakareber sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang .45 caliber pistol, isang .40 caliber pistol at walong plastic sachet ng hinihinalang shabu. (Light A. Nolasco)