Inilunsad kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Inter-Agency Council on Traffic (IACT) ang libreng sakay sa Pasig Ferry System gamit ang walong shuttle service patungo sa mga lungsod ng Taguig at Manila.

Layunin nitong mapabilis ang pagbiyahe ng commuters, partikular ang mga mamimili ngayong Christmas rush, bilang pamaskong handog ng MMDA.

Para sa mga tutungo sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City, maaaring sumakay sa 30-seaters shuttle service coaster na nakahimpil sa Guadalupe station ng Pasig Ferry System.

Mula naman sa Escolta station, maaaring sumakay sa 15-seaters shuttle service van, na maghahatid sa mga pasahero sa Divisoria at Binondo area o China Town sa lungsod ng Maynila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang libreng sakay sa shuttle service ng MMDA at IACT ay tatagal hanggang sa unang linggo ng Enero 2017. - Bella Gamotea