awra-copySA murang edad, maraming pinagdaanang dagok sa buhay bago sumikat ang kuwela at kinagigiliwang si Awra sa hit primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano at top-grossing movie na The Super Parental Guardians. 

 

Panoorin ang kuwento ng kanyang buhay ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya.

Bata pa lang ay nangarap na si Awra na makilala bilang artista, tulad ng kanyang idolong si Vice Ganda. Kaya agad ding nakita ng kanyang mga magulang ang potensiyal niya sa kanyang angking talento sa komedya, pag-arte, at pagsayaw. Suportado siya ng mga ito sa lahat ng bagay at tanggap nila kung sino at ano siya bilang tao.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

 

Ngunit ang masayang pamilya na kanyang kinagisnan ay biglang nagbago nang iwanan sila ng kanyang ina na si Marivic (Aleck Bovick). Nakita niya ang mabilis na pagbabago ng kanyang ama na si Oneal (Janus del Prado) na nagpabaya na sa mga responbilidad sa kanya. Lubos na nahirapan si Awra dahil lumaki siyang maunawain at mabait ang kanyang ama. 

Paano niya nalampasan ang mga paghamong ito?

 

Makakasama nina Awra, Aleck at Janus sa upcoming episode sina Eliza Pineda, Amy Nobleza, Lance Lucido, Gerard Madrid, Lui Manansala at Crispin Pineda, mula sa panulat nina Ara Badayos at Benson Logronio at sa direksiyon ni Dado Lumibao.