Takbo at sayaw. Puwede ba yun?
Ang inaakalang hindi puwedeng maganap ay naisakatuparan muli sa isinagawang Music Run by Philam Vitality nitong weekend sa McKinley West, Bonifacio Global Center sa Taguic City
Umabot sa 10,000 Music Runner ang lumahok at nakiisa sa kakaibang aksiyon na hatid sa 5k running and music festival sa ikalawang sunod na taon. Naging matagumpay ang debut ng torneo na ginanap sa Philippine Arena sa nakalipas na taon.
Ang Music Run ang itinuturing phenomenal event hindi lamang sa bansa bagkus sa buong mundo.
Masiglang sinimulan ang Music Run™ by Philam Vitality sa Music Village sa isang rakrakan tampok ang alternative soul band Sud, bumirit sa mga awiting ‘How We Play’ at ‘Profanities’.
Nagsagawa ng mass warm up, sa pangangasiwa ng mga trainer mula sa Gold’s Gym para sa pre-race ritual.
Ang 5k Music Run ay binubuo ng 1km Music Zones – Rock, Pop, Old School, Hip Hop at Dance. Ang mga ginamit na soundtrack ay mula sa ibinoto ng mga kalahok sa pamamagitan ng ‘bespoke online music app’ na dinevelop sa pakikipagtulungan ng Spotify®.
“Through The Music Run™, Philam Life offers Filipinos a chance to stay fit while having fun. Last year was a really big success and we were inspired to bring it closer to more runners this year,” pahayag ni Philam Vitality Deputy Head Kats Cajucom.
“This was made possible with the Philam Vitality program, a first of its kind, full-scale wellness program where members get rewarded for making healthy choices. Through Philam Vitality, we are taking active steps to positively transform the lives of Filipinos by helping them to live longer, healthier and better lives,” aniya.
“The Music Run™ is not just another fun run. It aims to bring our running experiences to new heights of excitement.
The Music Run™ first made waves in Asia and now it is sending waves of good vibes in cities around the globe,” pahayag naman ni Martin Capstick, Chief Executive Officer and Co-Founder of Exceed Sports and Entertainment, ang event promoter ng The Music Run™.
Itinaguyod din ang Music Run™ Manila ng Philam Vitality, sa pakikipagtulungan ng BPI-Philam, Philam Asset Management Inc., AirAsia, Oakley, Alcatel, Petron, Saucony, McKinley West, Mellow Radio, Manila Water at Takbo.ph.