anderson-cooper-at-mark-copy

ANG daming nainggit kay Mark Bautista nang i-post niya sa Instagram ang picture nila ni Anderson Cooper. Bumisita si Mark sa CNN Center at doon niya nakita si Anderson.

Pati ang kanyang visitor’s ID na nagpatunay na bumisita siya sa CNN Center, ipinost din ni Mark. Nakalagay sa visitor’s ID na si Anderson Cooper ang sadya niya.

“I don’t care what other people will say but I have so much respect for this man. Talk about wisdom. Thank you for all the advise,” post ni Mark.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

May solo picture si Anderson Cooper na ipinost din si Mark at marami rin ang nagkomento. Ni-like nina Zsa Zsa Padilla at Raymond Gutierrez ang nasabing picture.

Nasa Amerika si Mark at gumagawa yata ng short film, batay sa sagot niya sa mga nagtanong kung ano ang ginagawa niya roon.

May show din siya sa Philippine Consulate, Kalayaan Hall sa December 17 at masayang ibinalita na uuwi siya kaya dito sa Pilipinas magdiriwang ng Pasko. (Nitz Miralles)