TARLAC CITY – Isang babae ang nasawi habang tatlong iba pa ang grabeng nasugatan makaraang pumutok ang gulong ng sinasakyan nilang motorsiklo na napasemplang pabalandra sa Luisita Extension Road sa Barangay Mapalacsiao, Tarlac City, nitong Martes ng madaling araw.

Sinabi ni SPO2 Daniel Bañaga na namatay habang ginagamot sa Tarlac Provincial Hospital si May Gonzales, 35, ng Phase 2, Mabalacat City, Pampanga.

Malubha namang nasugatan sina Dennis Fastidio, 36, may asawa, driver ng motorsiklo; Jonel Navarro, nasa hustong gulang, ng Bgy. Motrico, La Paz; at Rose Ann Reyes, 24, ng Bgy. Carangian, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog