NAGPAPASALAMAT kami sa effort ng ABS-CBN Corporate Communication sa pangunguna ng head nilang si Kane Errol Choa dahil ipinadama nila ang pagmamahal sa entertainment press/online writers at bloggers sa nakaraang Christmas media party na nagsilbi na ring pasasalamat sa anila’y malaking naitutulong sa pananatiling number one ng Kapamilya Network.
Pinag-iisipan taun-taon ng team ni Kane ang Christmas party para sa media na much appreciated namin kahit hindi kami nananalo sa raffle, hu-hu-hu....
Nakakatuwa na kung ano ang game show na umeere sa ABS-CBN ay iyon ang ipinapalaro sa media tulad ng Family Feud na mismong si Luis Manzano ang host at “Tawag ng Tanghalan” na sina Erik Santos, Kyla at Jaya ng It’s Showtime din ang mga hurado.
Hindi man kami kasali sa games, tuwang-tuwa at aliw na aliw kami sa mga kasamahan namin sa hanapbuhay.
Appreciated din ng mga katoto ang production number ng news personalities na sina Doris Bigornia at Winnie Cordero na talagang kumanta ng Isang Linggong Pag-ibig at sina Marc Logan at Gus Albegus na umawit naman ng Macho Guwapito (nahahalata tuloy ang edad sa usong kanta noon).
Imagine, napapayag silang aliwin ang entertainment media gayong napaka-busy nila.
Matagal din naming natitigan ang natitirang pitong kandidato ng Pinoy Boy Band Superstar na sina Tony Labrusca, Ford Valencia, Joao Constancia, Mark Oblea, Niel Murillo, Tristan at Russell Reyes nang mag-perform.
Malakas talaga ang dating sa amin nina Joao, Russel, Tony, Neil at Ford na gusto naming manalo ngayong Sabado sa ABS-CBN.
At siyempre, grabe ang hagalpakan namin sa pagho-host nina Katotong Jobert Sucaldito at Papa Ahwel Paz.
Walang takot si Papa Ahwel sa pang-ookray sa lahat ng contestants ng TNT at sa mga katotong nanalo sa raffle lalo na si Manay Ethel Ramos na siyang grand winner ng P20,000 cash. Dahil mahinang maglakad ang tinaguriang Dean of Entertainment Writers, biniro siya ng, “Manay Ethel, retirement pay mo na ‘yan kaya ikaw ang nanalo.”
Pero nagulat kami na pati ang chief operating officer ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes ay hindi pinatawad at inokray din ni Papa Ahwel na grabe ang energy, huh. Ilang oras siyang kuda nang kuda, kesehodang nawawalan na siya ng boses sa sobrang ginaw ng Dolphy Theater.
Makikita mo talaga sa isang institusyon kung healthy ang relationship ng mga tao, walang pikon.
Saludo kami talaga sa ‘yo, Papa Ahwel. Sayang Katotong Jobert, umalis ka kaagad para umupo sa radio show ninyo. I’m sure marami ka pa sanang naibatong jokes din.
Anyway, maraming-maraming salamat sa Isang Pamilya Tayo Ngayong Gabi at looking forward ulit sa mga susunod na taon.
(Reggee Bonoan)