andi-at-jaclyn-copy

HABANG nagde-deadline, may naka-schedule na press visit sa taping ng Alyas Robin Hood na isa sa cast ay si Jaclyn Jose. Sana, nasa taping si Jaclyn para matanong sa post niya sa Instagram na disappointment sa home network ng kanyang anak na si Andi Eigenmann dahil hindi raw ibinalita ang pagkakapanalo ng anak na best actress sa Famas.

Post ni Jaclyn: “Andi, I was so disappointed with your network na hindi man lang linabas sa news ang pagkapanalo mo.

Nevertheless, you are a winner in my heart. In Ellie’s heart. You have your trophy. I hope your network will recognize your win. I love you most.”

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Nauna rito, nag-post si Jaclyn ng, “Congratulations Andi I am so proud of you, you are indeed the best actress of your generation. I know how much you work hard for your craft and I know you do all these for Ellie I love you!

Proud!”

May mga pumuna sa ipinost ni Jaclyn, hindi lang daw siya naghintay dahil ibinalita sa Tonight With Boy Abunda ang panalo ni Andi. Mayroon din namang nakaintindi kay Jaclyn, ina siya at very proud sa achievement ng anak. In fairness, hindi binanggit ni Jaclyn ang ABS-CBN, ang sabi lang, ang network ni Andi.

Anyway, gusto ng viewers ng Alyas Robin Hood ang karakter ni Jaclyn sa show na ina nina Gary Estrada at Dingdong Dantes dahil parang tunay na ina ng dalawa kung umarte siya. Isa ang mga eksena niya sa mga inaabangan ng viewers dahil laging may panggulat. (Nitz Miralles)