Timbuwang ang isang lalaki na hinihinalang tulak ng ilegal na droga habang arestado naman ang kanyang ina sa ikinasang buy-bust operation sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

“Ma, pu**ng ina! Pulis ‘yan!” Ito pa umano ang mga katagang isinigaw ng napatay na suspek na si Sammer Torculas, 27, ng 2273 Linceo Street, Pandacan, Maynila, bago tuluyang bumunot ng baril at manlaban sa mga awtoridad.

Samantala, arestado naman ang kanyang ina na si Glodchedge Torculas, alyas “Gigi”, 51, residente rin ng naturang lugar, matapos makumpiskahan ng ilegal na droga.

Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran, ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 10:30 ng gabi ikinasa ang operasyon sa bahay ng mag-ina.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinanggap umano ni Gigi ang P500 buy-bust money mula sa poseur buyer at saka inutusan si Sammer para kunin ang shabu.

Gayunman, pagbalik ni Sammer ay nakahalata ito na mga pulis ang kanilang katransaksiyon dahilan upang siyang manlaban ngunit hindi siya umubra sa mga pulis at siya’y napatay.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver at apat na pakete ng shabu.

(Mary Ann Santiago)