Suportado ni loilo City Rep. Jerry Treñas ang panawagan ni Pangulong Duterte sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act 7653 (New Central Bank Act of 1993), upang mapalawig ang termino ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr.
Sinabi ni Treñas na pinatunayan ni Tetangco ang kanyang kahusayan bilang BSP Governor sa dalawang magkaibang administrasyon. “He (Tetangco) is highly professional and apolitical,” aniya.
Si Tetangco ay unang hinirang bilang BSP Governor ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arryo noong 2005, at muling itinalaga ni ex-President Benigno Aquino noong 2011. Magwawakas ang kanyang termino sa katapusan ng Hulyo 2017.
Interesado si Duterte na hirangin siyang muli sa ikatlong termino, na hindi pinahihintulutan ng BSP Charter. (Bert de Guzman)