ping-medina-copy

NATANGGAP na ng Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) ang reklamo ni Ping Medina laban kay Baron Geisler sa ginawa nitong pag-ihi sa kanya sa shooting ng Bubog.

“The Professional Artist Managers Inc. Received a formal complaint from Ping Medina regarding the incident with Baron Geisler. We are calling for an emergency meeting on its complaint,” post ng talent manager na si June Torrejon-Rufino sa Facebook na kalaunan ay binura niya.

Sa latest interview kay Ping, makikitang apektado pa rin siya sa ginawa ni Baron dahil naluluha at nagha-hyperventilate at parang masusuka siya habang nagsasalita. Signs daw ‘yun ng trauma.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ang nakalulungkot lang, lalo na sa parte ni Ping, nag-decide ang director ng Bubog na si Arlyn dela Cruz na hindi na isama sa pelikula ang eksena ng dalawa.

“I will reshoot the scene as intended and with the original actors I have in mind. The film will be released internationally and locally without Ping and Baron. Ping knew he was a replacement, Baron too knew because he said he is ready with ‘any role’.

“Ping needs to rest. Not just rest. Trauma has no time frame. Pain is not always on the surface. Ping trusted me in my first film, Maratabat and we have become true friends ever since.

“Traumatized, he is the first to remind me that I do not need this kind of stress,” bahagi ng post ni Direk Arlyn.

Kumusta si Baron? Hayun, napu-promote ng sinasabing baka huling pelikula na niya.

“Tutal wala na akong career at baka ito na ang huling pelikula ko, sana ay panoorin po ninyo. Ang pelikulang binabanggit nito ay may titulong Project Beastmode.” (NITZ MIRALLES)