UNITED NATIONS (Reuters) – Humingi ng paumanhin si United Nations Secretary-General Ban Ki-moon sa mamamayan ng Haiti noong Huwebes sa cholera outbreak na idinulot ng Nepali UN peacekeepers, na ikinamatay ng mahigit 9,300 katao.

Walang cholera sa Haiti hanggang noong 2010, nang magtapon ang peacekeepers ng infected sewage sa ilog. Nagdulot ito ng diarrhea at pagkakasakit ng mahigit 800,000 Haitian.

“The United Nations deeply regrets the loss of life and suffering caused by the cholera outbreak,” sabi ni Ban sa 193-miyembrong U.N. General Assembly sa wikang Creole, French at English. “We apologize to the Haitian people.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'