marian-boobay-copy

SI Marian Rivera ang nagpalipat sa St. Luke’s Global sa best friend forever niyang si Norman Balbuena, aka Boobay, na dumanas ng acute stroke noong November 24. 

Gusto ni Marian na mapalapit sa lugar niya ang kanyang BFF para lagi niya itong nadadalaw. Kasalukuyang nasa Acute Stroke Care pa si Boobay. Sa nalaman naming findings, lumalabas naman na conscious siya at hindi naapektuhan ang upper and lower extremities niya. Comprehenson is preserved but has trouble speaking fluently.

Nagpapasalamat ang partner niyang si Kent Juan Resquit sa lahat ng dumalaw at nag-offer ng prayers para sa mabilis na paggaling ni Boobay.

Trending

'Congrats, Engr. (Andres)³!' Pangalan ng board exam passer, kinaaliwan

Nakausap namin si Allan K sa set ng Superstar Duets at nagkuwento na napakasipag daw kasi ni Boobay.

“Napakabait din niya, siya iyong artistang walang tinatanggihan, kahit ‘for the love’ (walang talent fee) lang, basta inimbita siya at p’wede niyang puntahan, tinatanggap niya,” kuwento ni Allan K.  

“Katatapos nga lang niyang mag-birthday noong November 7 at napakabata pa rin niya, he’s only 30 years old. Pero magkasama na kami niyan noon pa na tanggap ang mga raket minsan apat hanggang limang shows sa mga fiesta sa isang gabi, halos gulapay na kami sa pagod at puyat. But I guess, mahal ni Boobay ang trabaho niya na inilalaan niya sa kanyang pamilya.

“Last week, sa Zirkoh, may show siya, may mga moments nang hindi niya alam ang susunod niyang gagawin, siguro that time, may nararamdaman na siya pero hindi niya pinapansin. Nagpapasalamat na rin kaming mga friends niya na nangyari ito na nasa bahay siya at walang work, conscious siya, at sabi parang umuurong daw ang dila niya kaya dinala na siya agad sa hospital.

“Nung dalawin ko nga siya sa Capitol Medical Center, biniro ko siya kung kilala niya ako. Sagot niya, ‘Ikaw ang tunay na ama.’ Nakikilala niya kami pero hindi niya masabi kung ano ang pangalan namin.

“Kaya humihingi pa kami ng dasal sa lahat ng mga nagmamahal sa kanyang fans at mga kaibigan para sa madali niyang paggaling.”

Samantala, mami-miss ni Allan ang Supertar Duets dahil three weeks na lamang at grand finals na nila. First time niyang mag-judge sa show. Nagiging judge siya sa Eat Bulaga pero sa segment lang.

Mami-miss din niya ang kanyang kapwa judges sa show na sina Christian Bautista at Aicelle Santos at ang samahan nila. May gusto si Allan na tanghaling winner pero depende pa rin kung gaano kahusay ang performance at musicality nito sa gabi ng grand finals. (NORA CALDERON)