Laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4 n.h. -- Ateneo vs FEU

May nagsabi na hindi dapat maliitin o matahin ang puso ng isang kampeon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

At sa isa pang pagkakataon, napatunayan ito ng defending champion Far Eastern University nang makaiwas sa bingit ng kabiguan.

Ngayon, kukumpletuhin ng Tamaraws ang matikas na pagbalikwas sa pakikipagtuos sa Ateneo Blue Eagles sa ‘sudden death’ ng kanilang Final Four duel sa UAAP Season 79 seniors basketball tournament.

Nakatakda ang laban sa 4:00 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum.

Giniba ng No.4 seed Tamaraws ang kumpiyansa ng No.2 seed Eagles sa pahirapang 62-61 panalo.

Nanaig ang pusong kampeon ng graduating Tamaraws Reymar Jose at Monbert Arong katulong sina Prince Orizu at Ron Dennison upang magwagi sa ‘twice-to-beat’ na Eagles.

“Last year ko na sa UAAP kaya gusto ko effort pa talaga na kahit anong mangyari lalaban talaga kami,” pahayag ni Jose na nagposte ng 20 puntos at 23 rebound sa naturang panalo.

Para naman sa kanilang coach na si Nash Racela na nakatakda na ring iwanan ang kanyang posisyon bilang mentor ng Tamaraws para harapin ang bagong appointment bilang head coach ng Talk ‘N Text sa PBA, ang teamwork at kagustuhang manalo ng kanyang mga players ang inaasahan niyang muling makita sa krusyal na laban.

“Wala yata kahit isang player na ipinasok naming na hindi nag contribute.Hindi na namin sila kinakausap, hinahayaan na namin silang dumiskarte, sila na gumagawa ng paraan kung paano makakatulong, sana ganun din sila next game,” ani Racela.

Para sa Blue Eagles, pagsisikapan nilang huwag masayang ang nakamit na bentahe sa semifinals upang di masayang ang kanilang pinaghirapan.

“It’s not yet over. We work hard all season to get this advantage. Kailangan naming manalo,” pahayag ni Ateneo forward Thirdy Ravena. (Marivic Awitan )