Matapos sibakin ang traffic enforcers ng Maynila dahil sa reklamo ng pangongotong, mga opisyal ng barangay at pulis naman na protektor ng illegal terminals ang hahabulin ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.
Ayon kay Estrada, alam niyang may ilang tiwaling taga-barangay at pulis ang kumikita nang malaki sa pagpoprotekta ng mga illegal terminal. “Hindi natin tuluyang maaalis ang mga illegal terminals na ito kung ‘di muna natin huhulihin ang mga protektor nila, maging sa pulis o barangay man,” diin ni ya. (MARY ANN SANTIAGO)