Pinasasagot ng Korte Suprema ang kampo ng mga respondent sa motion for reconsideration na inihain laban sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sampung araw ang ibinigay ng kataas-taasang hukuman sa Office of the Solicitor General at sa pamilya Marcos para magsumite ng komento.

Kabilang sa mga naghain ng mosyon para baligtarin ang naunang desisyon ng Korte Suprema pabor sa paglilibing kay Marcos sina Albay Rep. Edcel Lagman at dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo.

Samantala, 10 araw din ang ibinigay ng Korte Suprema sa kampo ng mga respondent para magkomento sa petisyon para i-cite for contempt ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) kaugnay ng biglaang paghihimlay kay Marcos sa LNMB nitong Nobyembre 18. (Beth Camia)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente