Mga Laro Bukas

(Adamson Gym)

2 n.h. -- NU vs UST (Girls Finals)

4 n.h. -- NU vs UST

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

(Boys Finals)

Napigilan ng University of Santo Tomas ang tangkang ‘double celebration’ ng National University matapos masungkit ang panalo sa Game 2 ng girls at boys championship ng UAAP Season 79 high school volleyball tournament nitong Linggo sa Adamson University gym.

Ginapi ng Junior Tigresses ang Bullpups, 25-16, 25-21, 21-25, 25-13.

Ito ang kauna-unahang kabiguan ng Bullpups na winalis ang elimination round at liyadong makukumpleto ang target na three-peat.

Naungusan din ng UST boys ang Bullpups sa pahirapang 25-22, 11-25, 21-25, 25-15, 15-13 panalo.

Bunsod nito, naipuwersa ng UST ang ‘do-or-die’ para sa kampeonato. Nakatakda ang Game 3 bukas sa San Marcelino venue.

Nanguna si Eya Laure sa UST para buhayin ang kampanya na mabawi ang korona na huling nakamit ng Espana-based belles noong 2013.

Sa kabila ng kabiguan, nakamit ni NU’s Faith Nisperos ang season MVP at 1st Best Outside Spiker award, habang ang kasanggang sina Thea Gagate (1st Best Middle Blocker), Joyme Cagande (Best Setter) at Nicole Magsarile (Best Server) ang nangibabaw sa individual awards.

Napili naman sina Laure (Best Opposite Spiker), Baby Love Barbon (2nd Best Outside Spiker) at Det Pepito (Best Libero), De La Salle-Zobel’s Jewel Encarnacion (2nd Best Middle Blocker) at University of the East’s Kathleen Layugan (Rookie of the Year).

Nakuha rin ni NU’s Lorence Cruz ang boys MVP at 1st Best Outside Spiker, habang ang katropa na sina Billie Jean Anima (1st Best Middle Blocker), Diogenes Poquita (Best Setter) at Menard Guerrero (Best Libero) ang nanguna sa individual honor.

Ang iba pang awardee ay sina UST’s Jaron Requinton (2nd Best Middle Blocker), Lorenz Señoron (Best Opposite Spiker) and Rey De Vega (Best Server), UE’s Shaun Ledesma (2nd Best Outside Spiker) at De La Salle-Zobel’s Raymond Bryce de Guzman (Rookie of the Year). (Marivic Awitan)