sunshine-lang_please-crop-copy

MATAGAL nang pangarap ni Sunshine Cruz na makapagtapos ng college. Gusto kasi niyang magsilbing halimbawa sa kanyang mga anak, kaya ipinapakita niya na kahit nagtatrabaho na siya at abala sa pagiging nanay ng mga ito ay may mataas pa rin siyang pagpapahalaga sa kanyang sariling edukasyon.

Sa ganitong paraan, na maari raw siyang ipagmalaki ng tatlong dalaginding niya.

Kaya kahit gaano pa ka-busy ay hindi niya isinantabi na lang ang kanyang pangarap na makatanggap ng college diploma.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Ipinagmamalaki ni Sunshine na nagawa niyang maisingit ang kanyang distance study at ilang tulog na lang ay tatanggapin na niya ang katibayan ng pagsusunog niya ng kilay.

Magtatapos na kasi siya sa kanyang kursong BS Psychology sa Arellano University.

“Kuya Jimi, wala talagang makakapalit sa edukasyon bilang paghahanda sa future natin. Alam n’yo naman, single mom ako, kailangan ko ring may fall back ako kung sakaling wala na tayo sa showbiz. Kumbaga, ‘yung makapagtapos ako ng pag-aaral, eh, para ‘yun sa mga anak ko at maging proud din sa akin ang mommy ko,” sabi ni Sunshine.

Pagbabalik-tanaw pa ng aktres, kahit noong nasa That’s Entertainment pa siya ay pangarap na niyang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral pero naging busy na nga siya sa showbiz at kalaunan ay naging maybahay at nanay kaya tuluyan nang nawalan ng panahon sa pag-aaral.

Nang maging single mother siya habang lumalaki ang kanyang mga anak, at maayos ang kanilang edukasyon na naigagapang naman niyang mag-isa, naisip niyang bigyang katuparan ang matagal na niyang pangarap.

“At least konting panahon na lang, eh, matatapos na ako. Medyo nakakatawa lang kasi kung mauuna pang magkaroon ng college degree ang mga anak ko kaysa akin,” napatawang banggit pa rin ni Sunshine.

Kamakailan ay naidepensa at naipasa na ni Sunshine ang kanyang thesis at ilang araw na lang ay mapasakanya na ang kanyang college diploma.

Ngayong magkakaroon na ng college degree si Sunshine, puwede na rin naman siguro niyang harapin ang kanyang lovelife, huh! (JIMI ESCALA)