kim-at-anne-lang_please-crop-copy

NALAMAN namin sa isang staff ng It’s Showtime na tuloy na ang pagiging regular host ni Kim Chiu sa Kapamilya noontime show. Hindi pa nga lang daw pormal na maipakilala dahil inaayos pa ng management ang schedule ni Kim.

Dahil dito, may umalmang mga kasama rin sa show na malapit kay Anne Curtis. Baka raw kasi tuluyan nang iwan ni Anne ang It’s Showtime at si Kim na nga ang ipapalit.

Tsika ng source, malaki raw ang posibilidad ng pag-alis sa programa ni Anne na magpapakasal na pala sa boyfriend na si Erwan Heussaff. Kaya dasal ng mga tagapagtanggol ni Anne, sana raw ay huwag muna nitong iwanan It’s Showtime.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Malaking tulong daw si Anne kay Vice Ganda para sa pananatili ng ratings ng nasabing show, sey pa ng source. Mas tinututukan daw ng televiewers ang programa kung present sina Anne at Vice.

Pero alam naman daw nila na sooner or later ay tuluyan nang maaagaw ni Erwan si Anne sa programa. Sa tingin nila, tila nakakaramdam na raw si Anne ng pagkakainggit sa mga kaibigang sina Solenn Heussaff, Isabelle Daza at Georgina Wilson na pawang ikinasal na.

Samantala, tiyak na matutuwa ang maraming fans ni Kim kapag araw-araw na siyang napanood sa Showtime. Pero paano kaya ‘yun, busy na rin siya ngayon sa taping ng seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na balik-tambalan nila ni Gerald Anderson?

(JIMI ESCALA)