claudine-copy

GALIT na galit at sunud-sunod ang posts ni Claudine Barretto sa Instagram dahil may nanakit sa anak nila ni Raymart Santiago na si Santino. Sa picture ng anak na ipinost, kita ang pamamaga at pamumula ng kanang braso ni Santino.

“Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my Son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!” sabi ni Claudine sa unang post na sinundan ng, “I swear with my life Mga Animal kayo!!! I WILL SEE YOU IN COURT!! God forbid makaharap ko isa sa inyo baka MAPATAY KO KAYONG LAHAT!!!” at “Makalabas lang si Saint ng OSPITAL MAGTAGO NA KAYO!!!”

May nagpayo kay Claudine na kumalma lang siya at sinagot niya ito ng, “Kumalma ako??? Sinaktan nyo 10 years old ang tatanda nyo na mga hayop kayo!! Manginig kayo sa gagawin ko.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May nagpayo rin kay Claudine na maghinay-hinay at baka baligtarin siya at siya ang kasuhan dahil sa treat niya. Pero sabi niya, kahit baligtarin siya ay hindi nila kaya.

“I’m not going to hold back because before anything else, I AM A MOTHER FIRST! Thank you for all your support, love & prayers. Palanggas pls be with Saint & I in the battle ahead of us. Lalo na po sa lahat ng mga NANAY ipagdasal nyo po kami ni SANTINO. God bless us all.”

Sa mga nagtanong kung sino ang nanakit kay Santino, ang sabi ni Claudine, malalaman din kung sino ito.

(Nitz Miralles)