WASHINGTON (AFP) – Sinabi ni president-elect Donald Trump na siya sana ang nanalo sa US popular vote kung hindi lamang dahil sa ‘’millions of illegal’’ ballots, kasabay ng pinatinding banat laban sa recount sa Wisconsin na aniya ay pagsasayang lamang ng oras.

Todo-depensa si Trump laban sa panukalang recount na hahamon sa legitimacy ng kanyang pagkapanalo. Malaki ang lamang ni Hillary Clinton sa popular votes, habang si Trump ang nagwagi sa bilangan sa Electoral College.

Nagpaskil si Trump ng sunud-sunod na tweet madaling araw nitong Linggo at sinipi pa ang pahayag ni Clinton na igalang ang electoral process.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

‘’In addition to winning the Electoral College in a landslide, I won the popular vote if you deduct the millions of people who voted illegally,’’ banat ni Trump.

Ang recount ay hiniling ni Green Party candidate Jill Stein.