Napipinto ang pagpapatupad ng oil price hike ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.20 hanggang P1.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina, diesel at kerosene.

Ang nagbabadyang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan

Noong Nobyembre 22, nagtaas ang oil companies, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ng 10 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina habang walang paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene. (Bella Gamotea)
Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye