GOMA, Congo (AP) — Mahigit apat na milyong bata ang nawalan ng isang magulang sa Congo sa nakalipas na dalawang dekada. Sila ang mga tahimik na biktima ng walang katapusang karahasan.

Mahigit 26 milyong ulila ang naninirahan sa West at Central Africa, kung saan matatagpuan ang Congo – ang pangalawang pinakamalaking bilang sa mundo sa likod ng South Asia, ayon sa United Nations.

Ang mga batang ito ay lumaki sa gitna ng mga kaguluhan na bunga ng alitan ng mga katutubo at pag-aagawan sa mahahalagang minerals.

“They are the orphans with a story of violence since 1994 -- it’s a generation of victims that continues,’’ sabi ni Francisca Ichimpaye, senior monitor sa En Avant Les Enfants INUKA center.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina