NAKUMPLETO ni Courtney Lee ng New York Knicks ang fast break play laban sa depensa ni Ramon Sessions ng Charlotte Hornets sa second half ng kanilang laro sa NBA nitong Sabado. (AP)
NAKUMPLETO ni Courtney Lee ng New York Knicks ang fast break play laban sa depensa ni Ramon Sessions ng Charlotte Hornets sa second half ng kanilang laro sa NBA nitong Sabado. (AP)
OKLAHOMA CITY (AP) – Kumubra muli ng triple-double si Russel Westbrook para sandigan ang Thunder sa 106-88 panalo kontra Detroit Pistons nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nagsalansan si Westbrook ng 17 puntos, 15 assist at 13 rebound para sa ikalawang sunod na triple double matapos ang dominanteng panalo sa Denver.

Ito ang ikapitong triple double ni Westbrook ngayong season para sa ika-10 panalo sa 18 laro ng Thunder.

Nag-ambag si Anthoy Morrow ng 21 puntos mula sa bench, habang tumipa si Victor Oladipo ng 18 puntos.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Nanguna sa Pistons si Tobias Harris sa naiskor na 11 puntos.

HORNETS 107, KNICKS 102

Sa Charlotte, kaagad na naiganti ng Hornets ang natamong kabiguan sa New York nang pabagsakin ang Knicks.

Hataw si Kemba Walker sa natipang 28 puntos, habang kumana ng double double sina Jeremy Lamb at Frank Kaminsky para putulin ang four-game losing skid ng Hornets.

Naputol naman ang winning streak ng Knicks sa tatlo.

Nanguna sa New York si Kristaps Porzingis sa naiskor na 25 puntos, habang umiskor sina Derrick Rose at Carmelo Anthony ng tig-18 puntos.

SPURS 112, WIZARDS 110

Sa Washington, nasungkit ng San Antonio Spurs, sa pangunguna nina Lamarcus Aldridge at Tony Parker, ang ikasiyam na sunod na panalo nang pabagsakin ang Wizards.

Hataw si Aldridge sa naiskor na 24 puntos mula sa 9-of-17 shooting, habang kumubra si Tony Parker ng 20 puntos mula sa 8-of-13 field goal.

Ratsada rin si Kawhi Leonard sa nakubrang 19 puntos, habang tumipa sina Jonathon Simmons at Patty Mills ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Naputol ang winning streak ng Wizards sa dalawa. Nanguna si Bradley Beal na may 25 puntos, habang umiskor si John Wall ng 21 puntos.