BALTIMORE (AP) – Isang sanggol ang namatay sa protesta sa Baltimore.

Ayon sa pulisya, ang ina ng bata ay kabilang sa halos 30 kataong nagtipon para magprotesta nitong Sabado sa lugar kung saan binaril ng pulis noong Biyernes ang isang kalaking armado ng patalim.

Nilapitan ng mga tao ang isang opisyal at sinabi rito na hindi humihinga ang isang batang babae sa loob ng restaurant. Agad na nagsagawa si Major Richard Gibson ng CPR hanggang sa dumating ang paramedics. Dinala sa ospital ang isang buwang sanggol, kung saan siya namatay.

Ayon sa mga saksi, ang nagpoprotestang ina ng bata ay pumasok sa restaurant para pasusuhin ang sanggol, nang mapansin na hindi na ito huminga. Iniimbestigahan ang sanhi ng pagkamatay ng sanggol.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa