Mga Laro Ngayon

(Adamson University gym)

2 n.h. -- UST vs NU (Boys Finals)

4 n.h. -- UST vs NU (Girls Finals)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakalapit ang National University sa inaasam na double championship sa UAAP high school volleyball tournament makaraang gapiin ang mga nakatunggaling University of Santo Tomas sa girls at boys finals opener noong Biyernes sa Adamson University gym.

Nakalusot sa dikdikang first set ang Junior Lady Bullpups upang magapi ang Junior Tigresses, 29-27, 25-19, 25-22, at mahatak ang kanilang perpektong run sa 13 laro.

Dumaan naman sa butas ng karayom ang NU boys bago napayukod ang UST, 22-25, 25-23, 20-25, 25-23, 15-9.

Sa tulong ni setter Joymie Cagande, pinamunuan nina dating MVP Faith Nisperos, Princess Ann Robles at Thea Gagate ang Junior Lady Bullpups.

Ikatlong sunod na titulo ang target ng NU girls squad habang ikalawang sunod naman ang puntirya ng Bullpups.

Sakaling magwagi ang UST ngayong hapon, ganap na 2:00 ng hapon sa boys division at ganap na 4:00 ng hapon sa girls division muli sa Adamson gym, isasagawa ang winner-take-all Game Three sa Miyerkules. (Marivic Awitan)