PAREHONG nilagyan ng heart emoticon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang post sa picture na kuha sa kanila habang nagbabakasyon sa Phuket, Thailand.

May isang picture na magkayakap silang dalawa at anyong maghahalikan, kaya kinilig nang husto ang kanilang fans.

First trip together ito nina Luis at Jessy simula nang maging magkarelasyon sila at hindi na kailangang umamin pa sila dahil hayan na nga ang ebidensya.

May nagbiro sa dalawa na magpakasal na sila para maging lubos ang kanilang kaligayahan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May nagre-request kina Luis at Jessy to post more pictures together habang nasa Phuket sila at ipinarating ng fans na pabor sila sa relasyon ng dalawa. Pero hindi maiiwasan na may kontra pa rin sa relasyon nila, lalo na ang fans ni Luis at ex-girlfriend nitong si Angel Locsin.

Tama lang ang bakasyon nina Luis at Jessy dahil sa kanilang pagbabalik, magiging busy si Jessy sa promo ng Mano Po 7: Chinoy na showing na sa December 14.

First movie niya ito sa Regal Films at may kissing scene sila ni Enchong Dee. Hindi naman siguro magagalit si Luis sa sagot ni Enchong na “masarap” nang tanungin tungkol sa kissing scene nila ni Jessy dahil trabaho ‘yun.

(Nitz Miralles)