Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Meralco vs Blackwater

6:45 n.g. -- Ginebra vs Talk ‘N Text

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sasabak sa unang pagkakataon ang nakaraang Governors Cup finals protagonist Meralco at Barangay Ginebra sa magkahiwalay na laro ngayon sa 2017 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Mauunang sasalang ang Bolts ganap na 4:30 ng hapon kontra Blackwater habang makakatapat naman ng Kings ang Talk ‘N Text sa 6:45 ng gabi.

Masusubok sa unang laban ang sinasabing malaking pagbabago at pag- angat sa laro ng Elite sa pangunguna ng mga batang manlalaro na sina top pick Mac Belo at sophomore Art de LA Cruz.

Tatangkain ng Blackwater ang maagang pamumuno sa pagpuntirya ng ikalawang sunod na panalo matapos ang impresibong debut kontra Phoenix, 94-87.

Inaasahang masusukat ng husto ang level of competitiveness ng Elite kontra Bolts na pinahirapan ng husto ang paboritong Kings sa nakaraang conference finals.

Tiyak na aabangan kung paanong makikipagsabayan sina Belo kontra sa mga beteranong sina Reynel Hugnatan , Cliff Hodge at Jared Dillinger bukod pa sa magiging unang pagsalang ng mga rookies ng Bolts na sina Jonathan Grey at Gilas cadet Ed Daquioag.

Sa tampok na laro, magkukumahog namang bumangon ang Tropang Texters sa kabiguang nalasap sa kamay ng Rain or Shine sa una nilang laban kontra Kings na hangad namang maipagpatuloy ang natamong tagumpay sa nakaraang Governors Cup.

Walang malaking pagbabago sa kanilang roster,aabangan ng mga fans ang ipapakita sa laro ng pinakabagong miyembro ng Kings na si Gilas cadet Kevin Ferrer. (Marivic Awitan)