BEIJING (Reuters) – Pinag-iisipan ng China ang “wholesale” deal na magpapahintulot sa mga barkong pangisda ng Pilipinas na makapasok sa pinagtatalunang Scarborough Shoal sa South China Sea, sinabi ng isang maimpluwensyang Chinese academic at government adviser nitong Biyernes.
Naisip ng China na payagan ang mga mangingisdang Pilipino na makapasok sa mga dagat sa paligid ng isla simula nang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing noong Oktubre, sinabi ni Wu Shicun, pinuno ng National Institute for South China Sea Studies ng gobyerno.
“A wholesale bilateral fishing industry deal is still being discussed, an agreement has not yet been reached,” ani Wu sa isang forum sa Beijing.