Janine at Aljur
Janine at Aljur

SA first ever interactive romantic comedy sa Philippine television na URL, Usapang Real Love, kasama sa kilig ang mga manonood.

Sa pagsisimula ng Relationship Goals, ang featured story for the month, mapapanood ang love story ng dalawang young professionals na nag-aagawan sa iisang posisyon sa trabaho. Si Yapi na gagampanan ni Janine Gutierrez ay popular achiever sa North Office, samantalang si Kiso na gagampanan naman ni Aljur Abrenica ay paborito ng lahat at tinatawag na golden boy sa South Office.

Sa unang pagkikita pa lang ay agad na silang nabighani sa isa’t isa, pero dahil magkaribal sila sa iisang puwesto ay pilit nilang pipigilan ang kanilang nararamdaman. Magbibigay ng challenge ang kanilang boss para malaman sa magiging resulta nito kung sino sa kanila ang karapat-dapat na ma-promote.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Pero habang nakikipagtagisan ng galing sa isa’t isa, kung bakit naman lalong titindi ang nararamdaman nilang paghanga sa katunggali.

Magkaroon kaya ng puwang ang relationship goals nina Kiso at Yapi sa habang nag-aagawa sila sa pinapangarap nilang posisyon sa trabaho?

Panoorin sina Janine at Aljur sa pagsabak sa maraming drama, kilig at tawa sa URL Presents Relationship Goals simula ngayong 4:45 ng hapon sa GMA-7. (Jimi Escala)