James Corden (AP)
James Corden (AP)

MULA sa pagiging late-night talk show host hanggang sa pagiging king of “carpool karaoke,” may maidadagdag na si James Corden sa kanyang career credential bilang host ng Grammy sa susunod na taon.

Kinumpirma ng CBS network nitong Martes na ang The Late Late Show host ang magsisilbing emcee ng 2017 Grammy Awards, bilang kapalit ni LL Cool J na naging host ng seremonya simula 2012.

“It is the biggest, most prestigious award show in music and I feel incredibly lucky to be part of such an incredible night,” saad ng British comedian.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Gaganapin ang 2017 Grammy Awards sa Pebrero 12 sa Staples Center sa Los Angeles.

Mayroon nang karanasan si Corden sa pagho-host ng awards show, nang maging host siya ng 70th Tony Awards ngayong taon.

Patok si Corden sa kanyang CBS late night talk show, lalo na ang Carpool Karaoke segment na may mga A-list guest na kinabibilangan nina Adele, Lady Gaga, at U.S. First Lady Michelle Obama.

Umabot ng 2 billion views sa buong mundo ang mga Youtube video ng segment na ito.

Nakilala rin si Corden sa kanyang ginampanan sa mga pelikula tulad Into The Woods at Beging Again na nagpamalas ng kanyang talento sa musika. - MB Entertainment