TEKNAF, Bangladesh (AFP) –’’Ethnic cleansing’’ ang ginagawa ng Myanmar sa mga Rohingya Muslim, sinabi ng isang opisyal ng UN, sa paglutang ng mga ulat na pinagbabaril ng mga sundalo ang mga lumilikas na mamamayan.

Libu-libong desperadong mamamayan ang tumawid sa hangganan at pumasok sa Bangladesh nitong mga nakalipas na araw.

Dala nila ang mga nakakakilabot na istorya ng gang rape, torture at systematic killing ng kanilang etnikong grupo.

Sinabi ni John McKissick, pinuno ng United Nations refugee agency sa Bangladeshi border town ng Cox’s Bazar, na pinagpapatay ng mga tropa ng Myanmar ang mga katutubo, ‘’shooting them, slaughtering children, raping women, burning and looting houses, forcing these people to cross the river’’ patungong Bangladesh.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nanawagan ang Dhaka sa Myanmar na gumagawa ng hakbang upang matigil ang paglikas ng mga mamamayan.

‘’It’s very difficult for the Bangladeshi government to say the border is open because this would further encourage the government of Myanmar to continue the atrocities and push them out until they have achieved their ultimate goal of ethnic cleansing of the Muslim minority in Myanmar,’’ sabi ni McKissick.

Ayon sa UN, umabot na sa 30,000 Rohingya, isang stateless ethnic group, ang umalis sa kanilang mga tirahan sa Myanmar, para makatakas sa mga sundalong dumagsa sa kapirasong lupain na kanilang tinitirhan malapit sa hangganan ng Bangladesh.