mikee-quintos-enca-copy

PABORITO ng mga batang manonood ng Encantadia si Lira, na ginagampanan ni Mikee Quintos, na sa istorya ay nagsimula sa mundo ng mga tao, kaya natutuhan ang mga salita na iba sa wikang ginagamit ng mga diwata sa mga kaharian sa Encantadia.

Kaya rin gumagamit ng cellphone si Lira kahit nasa Encantadia na. May mga hugot lines din siya. 

Mabuti’t pinapayagan siya ni Direk Mark Reyes na gumamit ng contemporary lingo.

Tortang talong, pumangalawa sa ‘50 best egg dishes in the world’

“May pagka-witty po kasi si Lira, masayahin kasi siya, kahit nahihirapan na rin,” paliwanag ni Mikee. “During rehearsal ng mga eksena ko, nag-a-adlib ako, pero hinihintay ko kung papayag si Direk, kapag okey sa kanya, saka ko gagawin. Hindi po ako magda-dialogue na hindi approved ni Direk.”

Enjoy si Mikee sa role niya kahit may mabibigat na mga eksena siya na mahirap gawin. Iyon ay dahil suportado naman siya ng mga kasama niya sa eksena.

“Close po kami ni Kylie (Padilla) na gumaganap na Reyna Amihan, mommy vibes na nga kami. Inaalalayan niya ako sa mga crying scenes ko, para magawa ko, hinahawakan niya ako sa kamay parang sinasabi niya, ‘kaya mo ‘yan.’ Mahilig kaming kumanta ni Sang’gre Danaya, si Sanya Lopez, kapag wala kaming take, kanta kami nang kanta.

“Natutuwa rin po ako na kapag lumalabas ako, halimbawa pumupunta ako sa mall, may mga nakakakilala na sa akin at tinatawag nila ako ng Lira. Nakakataba rin po ng puso iyong nakikilala nila ako kahit hindi ako naka-costume.”

Lalo pang humirap ang mga eksenang ginagawa ngayon ni Mikee as Lira dahil isinumpa siya, naiba ang boses, pumangit at nakalimutan siya ng kanyang mga magulang.

“Medyo mahirap po dahil naiba ang costume ko, mahirap akong maglakad dahil mabigat ang suot ko, pero nasasanay na rin po ako, carry ko na. Ewan ko lang kung hanggang kailan ganoon ang character ko.”

Nananatiling number one sa primetime drama ng GMA-7 ang Encantadia na napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras.

(NORA CALDERON)