Mula ‘signal number 5’, bumaba hanggang ‘signal number 1’ ang mainit na relasyon nina Senator Leila de Lima at drayber nitong si Ronnie Dayan, nang magselos ang huli sa mga aide ni De Lima na sina Warren Cristobal at Joenel Sanchez.

Sa kanyang pagharap sa House Committee on Justice na nag-iimbestiga sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP), sinabi ni Dayan na ang 7-taong relasyon nila ni De Lima ay nagwakas noong 2015.

“Kesyo hindi na daw kami masaya sa pagsasama namin, lagi kasing bangayan, at laging nag-aaway kami,” ani Dayan.

Nakakatunog na rin umano noon si Dayan hinggil sa relasyon ni De Lima sa kanyang mga aide.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Kasi po sir, una ako tapos naramdaman ko rin na may relasyon sila ni Joenel, tapos ito naman si Warren kaya parang nasa isip ko uubusin niya kaming mga security niya,” ani Dayan. “Kaya noong nabalitaan ko na iyung isang hagad niya, na ang pangalan ay Warren Cristobal, ang bagong boyfriend niya, nasampal ko siya nang bahagya, si Ma’am. Sabi ko, ‘uubusin mo yata kaming mga security mo, ah.”

Simula noon ay hindi na umano laging sumasama si Dayan kay De Lima, hanggang utusan siya ng huli na mag-file na ng resignation.

“Sabi ko kay ma’am ‘pinag-resign mo na ako na parang nagpapalipas lang ako ng sama ng loob sa Pangasinan’, nakakahiya kasi sabi niya at saka ‘tama na rin ito para iwas gulo.’ ‘Okay, para wala na ngang talagang gulo. Ayaw ko ng gulo’ sabi ko,” kuwento pa ni Dayan.

Bago magtapos ang relasyon, sinabi ni Dayan na binigyan umano siya ni De Lima ng P2 milyon para ipampagawa ng bahay ng pamilya Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan.

“Alam din po ni Ma’am na may asawa po ako noong panahong iyon. Kasal po ako since 1991 noong ako po ay nag-apply bilang security-driver ni Ma’am sa kanyang law office,” ani Dayan.