Aminado ang 2016 PBA Annual Rookie Draft top pick na si Mac Belo na kinabahan siya at hindi halos nakatulog bago ang kanyang unang pagsalang sa PBA para sa koponan ng Blackwater.

Ngunit, ni walang kalawang na nakita sa kanyang laro matapos pamunuan ang Elite Blackwater kontra Phoenix, 94-87.

Kumubra si Belo na may 17 puntos at siyam na rebound.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

“You can see the kid’s potential. He’s full of promise,” pahayag at pagpuri ni Blackwater coach Leo Isaac kay Belo.

“But also committed some mistakes and it’s up to us, the coaches to guide him.”

Nakilalang team player, hindi naman sinolo ni dating Far Eastern University standout ang kredito at ibinahagi sa kanyang mga katropa at coaching staff.

“We played as a team,” ani Belo. “Hinanap talaga namin ‘yung open man at nagkataon na ako yung laging na-open.”

Mapagpakumbaba rin niyang inamin na kailangan pa niyng matutunan ang diskarte sa pro league.

Hindi rin mawawaglit sa kanyang isipan nang supalpalin ang tira niya ng beteranong si JC intal.

Gayunman, labis ang kanyang kasiyahan dahil sa kabila ng kulang sa tulog at pahinga sanhi ng sobrang excitement, may naiambag siya sa Elite. (Marivic Awitan)