Kumpiyansa si Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III na makakamit ang tuluyang pagbura sa “endo” at “illegal contractualization” sa susunod na taon, alinsunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kalihim, malaki ang posibilidad na mawawakasan ang ilegal na nakasanayang sistema bago matapos ang 2017 dahil sa aktibong pakikipagtulungan ng mga may-ari ng kumpanya sa DoLE.
Sinabi ni Bello na simula nang umpisahan ang kampanyang ito, nakapagtala sila ng tinatayang 25,000 manggagawa na ginawa nang regular.
Binigyan-diin ng kalihim na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang tuluyang mawalis ang “endo” at ilegal na kontraktuwalisasyon, at magkaroon ng “security of tenure” o seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.
(Mina Navarro)