LIMA (Reuters) – Dismayado ang Peru sa paghirang ng Food and Agriculture Organization ng United Nations kay dating first lady Nadine Heredia bilang Geneva-based director habang siya ay iniimbestigahan sa money laundering.

Naglabas ng pahayag ang Foreign Affairs Ministry ng bansa na ipinaaabot ang “displeasure and protest” nito sa appointment, na nangyari sa harap ng mga alegasyon ng public prosecutors na si Heredia at asawang si dating President Ollanta Humala ay tumanggap ng illicit funds mula sa gobyerno ng Venezuela at Brazilian construction companies.

Dinepensahan ng FAO ang kanyang desisyon na ayon dito ay dumaan sa “competitive procedures and based on a rigorous selection process.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture