SCIENCE CITY OF MUNOZ, Nueva Ecija – Sinabi ng Philippine Carabao Center (PCC) na target ng Nueva Ecija na kilalanin bilang “Buffalo Dairy Capital” ng bansa.

Ayon kay PCC acting Executive Director Arnel Del Barrio, ngayong taon lamang ay kakayaning maabot ng lalawigan ang 1.5 milyong litro na gatas ng kalabaw, samantalang sisikaping maabot ang 2-milyong litrong gatas sa susunod na taon.

Base sa tala ng PCC, simula 2013 hanggang 2015 ay nasa 7.2 milyong litrong gatas ng kalabaw ang nagawa sa bansa.

Ipinahayag din ni Del Barrio na kabilang pa rin sa mandato ng tanggapan na mapanatiling sapat at marami ang supply ng gatas ng kalabaw sa bansa, na tulong na rin sa mga lokal na magsasaka. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match