WASHINGTON (AFP) – Kumambiyo si US president-elect Donald Trump sa banta nitong uusigin ang karibal sa politikang si Hillary Clinton. Sinabi niya nitong Martes na magiging ‘’very divisive for the country’’ kapag ipinursige pa niya ito.

Sa pakikipagpulong niya sa New York Times editorial staff, binawi ni Trump ang kanyang banta noong kampanya na ipakukulong si Clinton.

‘’I don’t want to hurt the Clintons, I really don’t,’’ sabi ni Trump sa staff ng pahayagan. ‘’She went through a lot and suffered greatly in many different ways.’’

Matapos ang imbestigasyon ng FBI sa paggamit ni Clinton ng private email server habang siya ay secretary of state, walang inirekomendang kaso ang Department of Justice laban sa Democratic candidate. Ngunit ang isyu ay ikinagalit ng mga Republicans at tinukoy na isa sa mga dahilan kaya natalo si Clinton laban kay Trump sa 2016 presidential election.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

‘’I think it would be very, very divisive for the country,’’ paliwanag ni Trump sa pagbabago ng kanyang posisyon.

‘’My inclination would be for whatever power I have on the matter is to say let’s go forward. This has been looked at for so long, ad nauseum.’’