Laro Ngayon

(Smart- Araneta Colliseum)

4 n.h. -- La Salle vs Adamson

Sisimulan ng top seed La Salle at No.4 seed Adamsom ang aksiyon sa UAAP Season 79 Final Four ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Magsisimula ang tapatan ng Green Archers at Falcons ganap na 4:00 ng hapon.

Bukod sa taglay na bentaheng twice-to-beat, dalawang beses ding tinalo ng La Salle ang Adamson sa elimination kung kaya liyamado kung ituring ang Green Archers sa duwelo.

Sa kabila nito, naniniwala ang Falcons sa pamumuno ni coach Franz Pumaren, dati ring naging coach ng La Salle, sa pinanghahawakan nilang tsansa.

“Our mindset is we have nothing to lose. We are facing the best team in the league right now. Hopefully we overcome the challenge,” pahayag ni Pumaren.

Ayon kay Pumaren, tiniyak ng kanyang mga manlalaro na determinado silang makausad mula sa inabot na Final Four round kung kaya hindi sila basta susuko na lamang sa laban.

“We’re still gonna continue the journey and hopefully we can pull some surprises,” aniya.

Inaasahang magiging pangunahing target ng kanilang depensa ang nakatakdang parangalan bilang league MVP na si Ben Mbala at ang Mythical Team member na si Jeron Teng.

Inaasahan ni Pumaren na mag-i-step-up upang pamunuan ang Falcons sa asam na masilat ang Green Archers at makahirit ng do-or-die match.

Ang isa pang semifinal pairing na nagtatampok sa second seed Ateneo at No.3 seed Far Eastern University ay magaganap sa Sabado ganap ding 4:00 ng hapon sa parehas ding venue. (Marivic Awitan)