sanya1-copy

KAHIT ibinuking si Rocco Nacino nina Pancho Magno at Sanya Lopez na may idini-date siyang iba -- at hindi si Sanya ‘yun, kinikilig pa rin ang fans sa una at huli.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang fans nina Rocco at Sanya na magkakadebelopan din ang dalawa at sa pagwawakas ng Encantadia, magiging real-life couple sila.

Patuloy kasing kinikilig ang fans sa Tweeterserye nina Rocco at Sanya na nag-umpisa lang naman sa biruan, pero dahil nagklik sa viewers ng fantaseye at supporters ng tambalan nila, itinuloy na ng dalawa.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Ang latest na kinatuwaan ng fans sa Tweeterserye nila ay ang kunwaring pagseselos si Sanya dahil sa throwback picture na ipinost ng isang fan na magkasama sina Rocco at Julie Lee na kasama rin nila sa Encantadia.

Nagtanong si Sanya kung ginagantihan ba siya ni Aquil (Rocco) kaya may kasama itong babae sa picture. Sagot ni Rocco, “Ikaw ang may picture sa dalawang Muros!!! Ikaw ang mag-explain! Tuwang-tuwa ka pa.”

Sa picture na tinutukoy ni Rocco, kasama naman ni Sanya sina Arthur Solinap at Carlo Gonzales. Nagkasama ang tatlo sa guesting ng Encantadia sa Sunday Pinasaya na hindi kasama si Rocco.

Samantala, vindicated si Sanya sa mga nagdududa sa kaya niyang gampanan ang role at karakter ni Sang’gre Alena.

Pinatunayan niya na kayang-kaya niya. May mga nang-intriga pa ngang tinalbugan ni Sanya ang iba pang Sang’gre dahil siya ang mas napansin.

“Hindi naman totoo ‘yan at nahihiya ako sa mga kasama ko. Lahat naman kami ginagawa ang best namin para mas mapaganda ang mga karakter namin at ang Encantadia,” sagot ni Sanya. (Nitz Miralles)