Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng masusing imbestigasyon sa umano’y korapsyon sa Energy Regulatory Commission (ERC), kasunod ng pagpapatiwakal ng isang opisyal nito.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sisiguruhin ng gobyerno na may mananagot sa isyu ng korapsyon, kahit gaano pa kataas ang posisyon ng masasangkot dito.

“PRRD has ordered the immediate investigation of the ERC,” ayon kay Andanar sa kanyang text message sa mga mamamahayag. “There will be no sacred cows,” dagdag pa niya.

Magugunita na kamakailan lang, nag-suicide si Francisco Jose Villa Jr., direktor ng ERC, kung saan sinasabing nag-ugat ito sa pagpuwersa sa kanya na aprubahan ang mga kuwestiyonableng kontrata.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa kanyang suicide note, sinabi umano ng 54-anyos na si Villa na ang pressure ay galing umano kay ERC Chairman Jose Vicente Salazar. Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Salazar sa pagkakadawit ng kanyang pangalan.

(Genalyn D. Kabiling)