Mga Laro Bukas

(San Juan Arena)

9 n.u. -- UE vs FEU

11 n.u. -- Ateneo vs AdU

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

1 n.h. -- DLSZ vs NU

3 n.h. -- UPIS vs UST

Ginulat ng Adamson University ang defending champion National University, 80-67, upang manatiling nag- iisang koponan na walang talo sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament nitong Sabado sa San Juan Arena.

Nagtala si rookie Florencio Serrano ng 25 puntos at 10 rebound kasunod si Gerry Abadiano na may 13 puntos upang pamunuan ang Baby Falcons sa ikatlong sunod na panalo.

Ikinampay ng malakas ng Baby Falcons ang kanilang bagwis sa fourth period upang malagpasan ang hamon ng liyamadong Bullpups.

Nagtapos namang topscorer para sa Bullpups sina Winderlich Coyoca at John Lloyd Clemente na kapwa may tig-16 puntos.

Sa iba pang laban, tinalo ng Far Eastern University-Diliman ang Ateneo, 77-73, habang iginupo ng UP Integrated School ang University of the East, 95-63, para kapwa makasalo sa NU sa ikalawang puwesto sa barahang, 2-1.

Nanguna si Kenji Roman para sa Baby Tamaraws sa ipinoste nitong 16 puntos at siyam rebound at sapawan ang magandang laro ni Blue Eaglet Dave Ildefonso na tumapos na may 22 puntos, pitong board at anim na steal. (Marivic Awitan)