SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija - Nangingitim na ang katawan ng isang 18-anyos na binatang estudyante nang matagpuan siyang nakabigti sa kuwartong inuupahan niya sa College of Agriculture ng Central Luzon State University (CLSU) sa lungsod na ito, nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Muñoz Police, itinawag sa kanila ng CLSU Security Force ang tungkol sa pagpapatiwakal ni Jayson Cabanias y Peña, 18, agri student, at taga-Barangay Palosapis.

Ayon kay Sonny Tominez, may-ari ng boarding house, wala siyang alam na may kagalit si Cabanias, bagamat sinabi naman ng nobya ng huli na si Nova Valdez y Gregorio, 19, isa ring agri student, na may kinikimkim umanong problemang pampamilya ang kasintahan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile