ruru-copy

NATATAWA na lang si Rudu Madrid sa pagpipista sa kanya ng bashers na sumusubaybay sa Encantadia.

“Nag-aaway po ang mga Gab-Ru fans at ang Ybramihan fans,” nakangiting kuwento ni Ruru. “Nagagalit po sila sa akin, two-timer daw ako, dahil ipinagpalit ko si Alena (Gabbi Garcia) kay Amihan (Kylie Padilla).

“Hindi ko rin po alam na ganoon ang mangyayari sa character ko, dahil ang talagang mahal ko naman ay si Alena, kaya lang nagkaanak kami ni Amihan nang mawala si Alena. Ewan ko po kung magkakaroon din ako ng eksena with Pirena (Glaiza de Castro) at Danaya (Sanya Lopez), dahil sabi nila baka tuhugin kong lahat ang mga Sang’gre.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“Kaya tinu-tweet ko na lang sila na nagpapasalamat ako sa kanila at sabi ko, patuloy na lang nilang suportahan kung sino ang gusto nilang suportahan. Sa ngayon po kasi, hindi namin alam kung ano ang mga susunod na eksena. Wala kasi kaming pondo at minsan four times a week kaming nagti-taping lalo na kapag mga big scenes, tulad noong ginawa namin sa Bataan, iyong digmaan.”

Debut na ni Gabbi, na alaga sa regalo ni Ruru ng kahit na anong bagay na alam niyang magugustuhan ng dalaga, so, may special gift na ba siya lalo’t kahit halata namang sila na na itinatanggi pa rin nila?

“Gusto ko po siyang bigyan ng gift na hindi niya makakalimutan, kaya po secret na muna, malalaman din naman ninyo kung ano ang gift ko sa kanya.”

Ano ang wish niya para sa dalaga?

“Natutuwa po ako na magagawa na niya ang gusto niyang gawin, pero marami pa rin kaming priorities na gustong matupad bilang mga artista at individual. Basta masaya siya, masaya na rin ako.”

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras. (Nora Calderon)